ANG TUNAY NA PAG-IBIG

Pagkagising ko nitong umaga kala ko fog ang nakikita ko sa veranda. Sinuot ko salamin ko para matunghayan ng maayos…yun na nga. Smog pala. Ayon sa newsfeed ko, Bangkok polluted na talaga.
Parang pag-ibig kala mo maganda at healthy sa baga, yun pala nakakadamage ng atay pero minsan di naiiwasan patuloy pa din sa paglanghap ng maalikabok na hanging sinasaliwan ng puso mong todo tibok 24/7.  Oo, tumitibok yang puso mo ngaun. Pero naisip mo na ba kung bakit? Aside sa dahilan na ganito kasi ang modelo ng puso ko, ang tumibok. Pero ano ba talaga dahilan at sino ang tinitibok nyan? Parang sabi sa advertisement ng kape, para kanino ka bumabangon? Para kanino pag tibok nyan?
Minsan talaga kailangan natin ng motivation sa buhay, yun bang kahit minsan mamuhay ka sa alapaap at cloud 9. Pero ang masaklap sa kakahanap natin ng pag-ibig, imbes na matamis —pinapaitan na sinangkutsyahan ng ampalaya ang naiulam. Sa pagmamadali, todo post sa FB ng mga quotes na nagpapahaging na “I am singles, with an “s” “. So, parang nag iisa na kasama ang sarili? Plural. Ahhh mag isa sila ng sarili. Ayy nakakalito. Pero ganunpaman, ang pag-ibig na tinukoy na kupas at gasgas na nga sa social media…marami na ding definition si Mang Google, pati si Siri tumulong na din sa pag-sagot…pero bakit ngaun ang hirap pa din hagilapin ang saktong timpla nito?
Alam ko you are also wondering above the clouds, bakit ang mga tao kilig na kilig pag pag-ibig ang napag uusapan. Applicable po ito in all ages ah. Simula pagkabata, pagdadalaga, pagbibinata, pag aasawa at kahit lolo at lola ka na…may kwentong pag-ibig ka. Sa sobrang excited mong ikwento ang love story mo, pwede na tong itampok sa MMK with the saliw of piano.
Buti na lang expressive at upgraded na ang FB at Instagram, nakaimbento ng icon na hugis puso. Kaya nauso ang katagang “pakipusuan naman Bes!” Kaya kahit ano ano na lang pinuspusuan mo, bagong relo, cellphone, tulay, anyong tubig, bundok, pagkain, pinaupong manok, daan, yung kilohan, prutas, lipstick, damit, quotes, aso, pusa, OOTD ng FB friends mo na di mo naman alam at maalala kung bakit ka nag friend request sa kanya at kung ano ano pang pinopost ng mga kaibigan mo sa timeline nila. Hay…dun ko napagtanto na sa isang click lang, nagmamahal ka na. May pag-ibig ka na. Galing ng social media ngaun di ba? Ginawang simple ang dating malalim pa sa balon na kahulugan ng pagsinta? Kung tatanungin ang mga lolo’t lola noon the best way para manligaw ay magbigay ng gumamela sabay harana pero sa panahon ngaun sticker na rosas na lang minsan bulaklak ng cactus pwede na…one swipe away lang, message sent na. Pero mas masakit naman ngaun kesa noon, kapag nililigawan ang mga kadalagahan dudungaw sa bintana ibig sabihin alam nila na may harana sa ibaba…pero ngaun kadalasan seen-zoned ka. Sakit di ba?
Kaya madami sa tao ngaun ang emotional, lalo na mga kabataan. Pano ba naman apektado sa nakikita, nila like mo at pinupusuan ang picture nila pero selos ka pala. Ang weirdo ng mga tao no? Nasasaktan ka na nga thumbs up ka pa.
Dami simbolo ng pag ibig ngaun, may infinity ring pa nga. May pa flowers pwede na pang decorate sa sagala, may pa couple shirts,  may pa chocolates at pa tablea pa. Kaya nga benta ang mga dental clinic pakatapos ng Pebrero di ba?
Mabilis tayong masaktan. Kasi mabilis tayong magmahal. Minsan hinahanap natin ang pagmamahal sa mga kaibigan o sa opposite sex natin kadalasan. Pero nilingon mo man lang ba minsan ang mga magulang mo na naunang nagparamdam ng pagmamahal sayo? Dami ng bouquet of flowers na naibigay sa iyong kasintahan, mama mo napasaya mo din kaya kahit sa isang piraso ng rosas? Masayang magmahal. We are created to love and to be loved. Pero minsan kapag di pa talaga pwede, wag pilitin ang sarili na pumasok sa relasyon. Magmahal tayo. Sa pamilya, rebuild the bond we have lost for our siblings, mga kaibigan pati ating brothers and sisters. Rebuild the love. Sabi nga ni Lord, the greatest of them all is LOVE.
Tandaan mo wala ka man ka date nung Heart’s Day, there is someone who loved you so dearly. Di maikukumpara sa kung sino mang hari at VIP ng mundo, the King of Kings wants to have an intimate relationship with you. Ikaw na anak nya. Ikaw ang prinsesa at prinsipe nya. Gusto ka lang nyang maging masaya kahit madalas sine seenzone mo sya. Kahit madalas may ka “Love Triangle” Sya sayo. Yung trabaho mo, yung mga hilig mo, yung mga gala mo ng mga kaibigan mo, yung karelasyon mo, minsan yung pera na hawak mo, kadalasan yung time mo. Nasasaktan sya…ang hirap kaya ng pinagpapalit? Lalo na kapag alam mo na mas may worth ka sa lahat ng ipinagpalit nya? Parang sabi ni Lord, “Anak, kapalit palit ba ko? Hindi ko ba nabigay lahat ng pinangako ko sayo? Wala ba ako sayo? Di mo ba ako mahal? Hindi ko ba naiparamdam ang pag-ibig ko sayo? Then…Why??”
Love the Lord with all your heart and with all your soul. He is the creator of LOVE. Kaya wag nating pagkait ang bagay na sya ang founder. Kaya yang tinitibok ng puso mo ngaun, kaninong tinig ba ang unang sinasambit nyan? Try to re arrange our priority. Mag invest tayo sa LOVE na for eternity. Love that won’t fail us. That won’t judge and condemn us. Love that saves us. The love that is a free and generous gift for us. Hindi na natin kailangan gumastos ng pan-date kasi si Lord mismo nag po provide ng lahat. Chilax na lang tayo guys, if we commit ourselves first to the Lord. We are just so blessed that He loved us so much. He loves us.
May forever tayo Kay Lord.
Kapag na build mo na ang relationship mo Kay Lord, si Lord ang maghahanap ng ways para iparanas sayo ang ibang konsepto ng pag ibig. Ang pag ibig na foundation ang pagmamahal ng ipinakita Nya. Pag-ibig sa kapwa mo at malay mo kapag ready ka na isakatuparan na Nya din ang love story ng buhay mo. Kaya wag ka mag alala. Best writer si Lord lalo na sa konsepto ng pag ibig. Kikiligin ka na lang sa magiging takbo nito. Wag ka lang mawalan ng pag asa at surrender lang sa Kanya.
Maraming pag ibig mga kapatid ! ❤️

1 Corinthians 13:4-8

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

Leave a Reply

%d bloggers like this: