Batang 90's ka ba? Chinese garter at Lastiko ba?

Kelan kaya nung una at huli kang nakapaglaro nito? Yung ipinagpapalit yung siesta na dapat tulog ka sa oras na nasa kalsada. Maglalaro at makikipagtagisan sa sipunin mong barkada para makaipon ng kahit isang metro ng lastiko. Ititirintas. Pagbubuhul buhulin. Hanggang sa pwede ng gamitin sa larong chinese garter. Lulukso ka. Mapipigtas. Tapos iiyak ka. Tapos hihingi ka ng piso sa mama mo. Tapos kukurutin ka kasi di ka natutulog. Tapos iiyak ka ulit. Tapos magpapa amo ng mukha. Bubunutan ng puting buhok ang mama mo. Tapos bibigyan ka na ng piso. Sasaya ka. Dali daling pupunta sa tindahan. Kikindatan ka ng dalawang bagay. Yung lollipop tsaka yung pangarap mong ibat ibang kulay ng lastiko. Pero mananaig ang puso at adhikain mong maisuot sa kamay ang mala rainbow na lastiko. Kaya kahit gusto mong kulayan ang labi mo sa pamamagitan ng matamis na lollipop. Mas pipiliin mo yung lastiko. Pipikit ka na lang. Hanggang sa maiabot na ng tindera ang lastiko na nakabalot pa sa plastik na pinoprotektahan ng isang pirasong bala ng stapler.
Lubos yung tuwa mo.
Mapapanaghinipan mo.
Na umuulan ng lastiko.
Titingala ka.
Buhok mo pala, nagkanda buhol buhol na.
Lastiko pa. 😊12118951_921286624612029_7160703796101243625_n<<<<<<<<<<
o to UNICEF.<<<<<<<

Leave a Reply