ILANG TAON KA NA BA?

“Ilang taon ka na ba?”

Ilang beses mo ba ba tong nadinig sa mga kapitbahay mo? Sa mga tita at tito mo? Sa mga kumare at kumpare ng nanay at tatay mo? Sa mga kaibigan mo? Sa mga taong nasa paligid mo? Sa lolo’t lola mo? At sa kung sino sino pang mga tao na kakilala ng mga kakilala mo; na nakakapagod ng e-trace kung ba’t ka nakilala ng mga taong ito.
Yan ang tanong na hindi lang naman talaga numero ang hinihintay na sagot? Ito ay tanong na naglalayon na imbestigahan ang buong pagkatao mo. Ang mga plano mo. Parang gusto nilang e re-assess ang timeline ng buhay mo. Pano? Kadalasan kasi ang tanong na ito ay nayayari lang lalo na kapag above 25 years old ka na.
Yung para bang may mangyayari sayong masama at kahindik hindik kapag humalik na edad mo sa trenta o di kaya lumagpas ka sa bracket na yun ng wala ka pang matibay na plano kung saan ka tutungo. O kung stable ka na ba, financially? Kung may naipundar ka na ba? Stable na ba hanap buhay mo? May narating ka na ba? O kung naa-afford mo na bang magkape sa starbucks three times a day.  At mas nakaka pressure sa lahat ng ito ay… kung may napakilala ka na ba sa buong angkan na prospect para maging asawa. O kung boyfriend o girlfriend man lang.
Nakakatawa lang isipin na yung edad natin sa ngayon, na kung tutuusin parang ilang dipa lang ang layo sa isang 18 anyos…ay humaharap na sa matinding pagsubok ng pagbuo ng plano sa buhay. Na para bang kailangan base sa social norm at kaugalian dapat straightly directed na ang lahat. Kritikal na ang magkamali kasi paparoon na tayo sa edad na di paurong… kundi pasulong… sa pagtanda.  Nakaka pressure kaya. Yung kukulitin ka ng mga kamag anak mo na magpakilala na ng girlfriend kasi nakikita nila yung mga ka batch mo may dalawa ng supling. Habang ikaw, eyebags lang ang naipon at araw araw trabaho bahay uwi lang ang alam. Pati nga bills mo na pang isang tao sa ilaw at tubig (yung nagpaka independent ka kunwari) ay hirap kang bayaran at i-compute kasi mas malaki pa ang bills kesa income. Then, dahil nga ang edad mo, nasa bracket na ng pag-aasawa…kinukulit ka na nila. Eh yung sarili mo nga di mo pa ma treat sa isang massage parlor o di kaya mamili sa mall ng mga damit na pamporma na hindi iniintindi ang price tag, basta deretsyo hagis sa cart.
Ang masasabi ko lang mga kapatid, bago mag desisyon lalo na for the future. Assess mo muna sarili mo. Ready ka na ba? Financially? Emotionally? Kasi di biro ang pag-aasawa lalo na kapag naki ayon ka lang sa dikta ng tao sa paligid mo. Yung makikisagupuan ka sa gyera na walang bala. Walang ipon; lakas, kaalaman, pasensya, at pera. Practical na mga kabataan ngayon. Yung edad noon na best age to marry ay pumapatak sa 20-25, pero ngayon parang nag plus 5 years na. Karamihan sa nakakausap ko, plano daw nila lumagay sa tahimik between 27-30 years old. Siguro, nabago na din ang kaisipan ng mga kabataan ngayon. Ika nga enjoy your life as a single muna. Kainin ang mga pagkain na gusto mo; street food man yan o sa mamahalin na restaurant. Bilhin ang mga bagay na gusto mo. Mag ipon at mag allocate ng perang pang travel. Yumapak sa ibang lugar hindi lang bahay-trabaho-tulog. Enjoy at mag spend ng quality time sa kaibigan at pamilya. Ayusin ang mga dapat ayusin sa buhay mo, pag uugali man yan o kung ano pa. Kailangan na munang handa ka sa lahat. Mahirap na kasi. Sabi na nga ng mga matatanda, “Ang pag-aasawa ay hindi kanin na mainit na kapag napaso ka iluluwa mo.”
Think carefully. At maging maingat sa pagdedesisyon. Hayaan mong ihanda ka ni Lord sa mga bagay na yun, di natin alam inihahanda na rin Nya ang makakasama mo sa hinaharap. Kaya kalma ka lang.
Sumasainyo,
Gemma

Leave a Reply